Publications

Article, report, interviews, copy-edited

Tsina, katuwang ng Pilipinas sa paggigiit ng pagkaka-unawaan at kooperasyon – Embahador Jaime A. FlorCruz

Hunyo 14, 2024, Beijing – Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Ika-126 na Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas, sinabi ni Jaime A. FlorCruz, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, na mahigit isang siglo matapos iproklama ang kasarinlan ng bansa, taas-noo pa ring nakatindig ang mga Pilipino, kasama ng komunidad ng daigdig sa pagpapabuti ng pakikipagtulungan sa mga mapagkaibigang bansa tungo sa pagsusulong ng komong pag-unlad.

Turistang dumalaw sa Pilipinas hanggang Disyembre 12, 2023, 5.069 milyon: higit 252 libo, mula sa Tsina

Disyembre 17, 2023, Beijing – Sa kanyang talumpati sa pagtitipong Pamasko na tinaguriang “Love The Philippines,” ipinagmalaki ni Erwin F. Balane, Tourism Attaché ng Pilipinas sa Beijing, na umabot na sa 5.069 milyon ang mga turistang dumalaw sa Pilipinas hanggang Disyembre 12, 2023.Sa panahon ng Kapaskuhan, inaasahan aniyang dadami pa ang mga turistang papasok sa bansa dahil sa mahabang bakasyon. Erwin F. Balane, habang nagtatalumpatiKaugnay nito, posibleng umangat pa sa 6.5 milyong turista ang...

Mga ahensya sa paglalakbay mula Pilipinas, nakilahok sa COTTM 2023

Beijing - Sa panayam, Nobyembre 15, 2023, sa China Media Group–Serbisyo Filipino (CMG–SF), sinabi ni Dr. Erwin Balane, Tourism Attache ng Philippine Department of Tourism–Beijing Office, (PDOT–Beijing), na ang layunin ng pagsali sa China Outbound Travel and Tourism Market (COTTM) 2023 ay para hikayatin ang mga trade partners na makipagnegosyo sa mga Tsinong travel agent na nakabase sa Beijing.
Load More